##################
Gaano nga ba kadelikado ang magtipid sa PSU?
Last edited Jan. 26 2024Low quality components (tulad ng transformers, filters, at capacitors) na nagp-produce ng “dirty power” ang laman ng mga murang PSU. Ito ang mga risk sa paggamit nito:
-
Nakaka-ikli ito ng lifespan ng components.
Sensitive sa unstable power output, fluctuations, at electromagnetic interference ang mga PC components. Nagd-degrade ang mga ito kung exposed sa “dirty power” dahil nago-operate sila outside of their specifications at nagc-compensate sila para mag-function nang maayos.
-
Wala o kulang ang protections nito laban sa common power failures na maaaring makasira sa PSU at sa ibang components.
Kompleto ang mga quality PSU sa protections laban sa common power failures tulad ng OCP for over current at OVP for over voltage. Higit na mas mataas ang risk na bumigay ang mga PSU na walang protection laban sa mga ito (at maaaring makasira pa ng ibang parts). Mas marami rin ang reports na nagliliyab at pumuputok ang mga ito.
-
Mababa ang lifespan nito at maikli ang warranty.
Mataas ang early failure rates ng mga low quality PSU. In addition, up to 3 months lang ang warranty period ng mga surplus “true rated” PSU at up to 1 year naman para sa mga brand new generic units. Umaabot ng 10 years ang warranty ng mga quality PSU — iba kung ang mismong manufacturer, may tiwala sa binebenta nila.
-
Hindi nito kaya i-supply ang rated wattage niya.
Usually falsely advertised ang maximum output ng mga low quality PSU o mas mabilis itong nababawasan over time dahil sa wear and tear. Maaaring ang inability ng PSU na mag-provide ng kinakailangang power ng mga components ang sanhi ng instability issues tulad ng blue screen, crashes, random shutdowns, at data corruption.
-
Mataas ang power consumption nito sa kuryente kaysa sa 80 PLUS rated units.
Less efficient ang power conversion ng mga low quality PSU kaya mas umiinit ito at mas malakas kumonsumo ng kuryente.