############
Mag-ingat sa pekeng "80 PLUS certified" units
Last edited Jan. 26 2024Nagsisilbing standard ang 80 PLUS certification sa mga PSU. Dahil dito, laganap ang mga PSU na namemeke ng kanilang certification. Mag-ingat sa ganitong mga unit dahil ang mga ito ay siguradong low quality.
Fake 80 PLUS sticker
Kasindali lang ng pag-copy paste ng 80 PLUS logo ang pamemeke ng 80 PLUS PSU. Malalaman mo kung legit na 80 PLUS certified ang isang PSU kung makikita mo ito sa clearesult.com. Kung wala ito sa listahan, malamang ay hindi ito certified at peke ang sticker nito. Ngunit may iilang PSU na ni-rebrand lang (pinalitan ng brand name at model) at hindi na nagpa-certify ulit o pending ang certification, tulad ng RAKK Agos na rebranded Tecnomall EP series.
Maging mabusisi rin sa hitsura ng 80 PLUS sticker. Iisa lamang ang hitsura nito at kung may makita kang iiba ang hitsura, peke ito:
credits to GPCB
Ang mga kilalang brands na namemeke ng 80 PLUS badge ay: Inplay, Keytech, Ovation, Ramsta, at YGT.
Misleading alternate certification
May ibang brand na imbis na 80 PLUS sticker ang nakalagay, “82 PLUS”, “85 PLUS”, “90 PLUS”, at iba pa ang ginagamit. Wala talagang ganitong certifications at hindi ito under ng 80 PLUS — ito ay ginagawa ng mga manufacturer para i-mislead ang mga buyer na certified ito, which is hindi.