############
Ano nga ba ang generic, true rated, at 80 PLUS PSU?
Last edited Jan. 26 2024Sa Pilipinas, may tatlong kilalang classification ng mga PSU: generic, true rated, at 80 PLUS certified. Ang “generic” at “true rated” ay marketing terms lamang sa Pilipinas kaya wala kang makikitang guide tungkol dito sa ibang bansa. Kung ikaw ay naghahanap ng PSU, umiwas ka sa mga generic o true rated at pumili ka ng 80 PLUS certified.
Generic
Nagsimula ang term na generic PSU dahil sa iba’t ibang brand ng PSU (tulad ng Rise, Orion, Xtyle, Neutron, at iba pa) na pumapasok sa Pilipinas na iisa lang ang manufacturer o pare-parehas lang ng quality. Maraming in common sa mga generic PSU:
- Around 400 pesos, o kasama ng generic case
- Falsely advertised ang max output — rated for 600w or higher pero around 200w lang ang actual output
- Walang protections at lower quality components ang ginamit.
Mga generic PSU ang nagsisilbing budget option kung gusto mo ng brand new PSU — sinasabing “pwede na” ang mga ito sa mga PC na walang graphics card.
True rated
Ang pinakamalaking misconception sa mga PSU ay “true rated” = maganda. Mali.
Nauso ang term na “true rated” nang maging talamak ang mga generic PSU. Ginagamit ito para i-describe ang mga PSU na kaya i-output ang rated capacity nila (compared sa mga generic na falsely rated). Madalas mo makikita ang “true rated” sa mga used, surplus PSU na mabibili mo sa presyong piso per watt. Ang mga common brands ng ganitong PSU ay: AONE, Great Wall, hex, Huntkey, Iceman, Optimus, Performance, Powerex, POWERFUL, RexCool, topower, WEED, at Zalman.
Sa ngayon, ginagamit ang term na “true rated” para sabihing maganda ang PSU. Tinatawag ding “true rated” ang mga 80 PLUS certified units.
80 PLUS
Ang 80 PLUS certification ay isang guarantee ng power efficiency: kung ang components mo ay mangangailangan ng 400W, hindi dapat lumagpas ng 500W ang power consumption ng isang PSU para maging 80 PLUS certified — meaning at least 80% efficient.
Maraming tier ang 80 PLUS certification: White, Bronze, Silver, Gold, Platinum, at Titanium. Higher tier means more efficient, pero mas mahal. Sa typical household desktop, ayos na ang Bronze, at sa midrange to high-end desktop, pwede na ang Gold. Hindi ibig-sabihin na kung 80 PLUS-certified ang isang PSU, ay matibay ito. Ang concern lamang ng 80 PLUS ay ang efficiency ng PSU, hindi ang durability at reliability nito. Ngunit maganda pa ring gawing basehan ang 80 PLUS rating dahil alam mong efficient ang PSU mo at sa mas mataas na 80 PLUS rating, mas maganda ang components at meaning mas matibay ito.